Miyerkules, Hulyo 25, 2012


Ano ang kaugnayan ng ekonomiks sa pagtaas ng presyo ng petrolyo?

Ang ekonomiya ay ang pinag-aaralan sa ekonomiks.ang ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart, grap at matematikasa pagsusuring ukol dito.
Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano ang tao ay naghahanap-buhay. Ito din ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng likas na yaman. Ito din ay ang makagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Ito din ay naglalamanng bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais ng kabuhayan.
Balik tayo sa topic ko.  Alam naman natin kada linggo ay nagtataas ng presyo ng mga kompanya ng petrolyo lalo na ang Big Three (ang Petron, Shell at Chevron). Maraming mga tao ang nagrereklamo lalo na ang mga jeepney driver dahil magmamahal ang krudo at itataas din nila ang kanilang presyo ng pamasahe. Pero ang magpapasan ng bigat ng pagbabayad sa jeepney.
Kung ating susuriin ng mabuti ay maiisip natin na lagi ang mga jeepney driver at lamang na naman ang kompanya ng petrolyo dahil ang kanilang pagtataas ng kanilang presyo ay double-digit pero pareho din sila kapag nagbaba ng presyo ay double-digit din kaya nga lang ay sentabo at mataas ang piso na rollback.
Ano nga kaya ang kaugnayan ng ekonomiks sa pagtataas ng petrolyo. Sabi nga ang ekonomiks ay ang pag-aaral tunkol sa kabuhayan ng tao, paggamit ng mga tsart at matematika. Kung ating kakarkulahinay mas mataas ang itinataas ng petrolyo pero ang pagro-rollback ay mababa pa rin at may patong pa. kaya napipilitan ang mga tsuper na magtaas ng presyo ng pamasahe. Ang papas an ng bigat ng pagtaas ng pamasahe ay ang mga mananakay na sumasakay sa sasakyan tulad ng jeep, taxi at bus na matututong magtaas ng pamasahe, kaya sa huli ay mahihirapan din ang mga mananakay.


Ito ay isang tsart kung saan ay ipinapakita ang paghahalintulad ng tatlo: oil price hike, oil rollback at fare hike.

Ito naman ay isang chain reaction ng pagikot ng pagpasan ng bigat ng pagtaas ng petrolyo.