Ano ang kaugnayan ng ekonomiks sa pagtaas ng presyo ng
petrolyo?
Ang ekonomiya ay ang pinag-aaralan sa ekonomiks.ang
ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart, grap at
matematikasa pagsusuring ukol dito.
Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano ang tao ay
naghahanap-buhay. Ito din ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon,
pamamahagi at paggamit ng likas na yaman. Ito din ay ang makagham na pag-aaral
na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Ito din ay
naglalamanng bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais ng kabuhayan.
Balik tayo sa topic ko. Alam naman natin kada linggo ay nagtataas ng presyo ng
mga kompanya ng petrolyo lalo na ang Big Three (ang Petron, Shell at Chevron). Maraming
mga tao ang nagrereklamo lalo na ang mga jeepney driver dahil magmamahal ang
krudo at itataas din nila ang kanilang presyo ng pamasahe. Pero ang magpapasan
ng bigat ng pagbabayad sa jeepney.
Kung ating susuriin ng mabuti ay maiisip natin na lagi
ang mga jeepney driver at lamang na naman ang kompanya ng petrolyo dahil ang
kanilang pagtataas ng kanilang presyo ay double-digit pero pareho din sila
kapag nagbaba ng presyo ay double-digit din kaya nga lang ay sentabo at mataas
ang piso na rollback.
Ano nga kaya ang kaugnayan ng ekonomiks sa pagtataas
ng petrolyo. Sabi nga ang ekonomiks ay ang pag-aaral tunkol sa kabuhayan ng
tao, paggamit ng mga tsart at matematika. Kung ating kakarkulahinay mas mataas
ang itinataas ng petrolyo pero ang pagro-rollback ay mababa pa rin at may patong
pa. kaya napipilitan ang mga tsuper na magtaas ng presyo ng pamasahe. Ang papas
an ng bigat ng pagtaas ng pamasahe ay ang mga mananakay na sumasakay sa
sasakyan tulad ng jeep, taxi at bus na matututong magtaas ng pamasahe, kaya sa
huli ay mahihirapan din ang mga mananakay.
Ito ay isang tsart kung saan ay ipinapakita ang
paghahalintulad ng tatlo: oil price hike, oil rollback at fare hike.
Ito naman ay isang chain reaction ng pagikot ng
pagpasan ng bigat ng pagtaas ng petrolyo.